Saturday, April 14, 2012

Nanay at Ulan



sa bawat patak ng ulan
ay unti unting bumabalik
mga ala ala ng aking kamusmusan
tuwing umuulan,

ang tinig ng inay na wari'y galit
ngunit ngayon ko lang napag tanto
eto palay pagmamahal
"anak huwag ka mag basa sa ulan, baka ikay magkasakit"

ngunit dahil sa bata
turing ng ina ay di inalintana
patuloy sa pag takbo
at basang basa

ng ang langit ay lumiwanag
at ang ulan ay tumila
salubong ng nanay
tuwalya at yakap

o kay sarap balikan
mga panahong ganoon
damang dama mo ang pag aaruga
at pagmmaahal ni nanay

tumigil na rin ang ulan
sabay ng busina sa likod na sasakyan
kailangan na palang magpatuloy
upang makarating sa paruruonan

sa bihirang pag ulan dito sa gitnang silangan
ganun din ba ka bihira
sumagi sa ating isipan
mahal nating inay na sa atin ay naghihintay.



rjm.

No comments:

Post a Comment